News LightFeatured

SSS, magpapatupad ng 10 percent pension increase | News Light

Magpapatupad ang Social Security System (SSS) ng 10 porsyentong pagtaas sa monthly retirement at disability pensions sa Setyembre ngayong taon.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Magpapatupad ang Social Security System (SSS) ng 10 porsyentong pagtaas sa monthly retirement at disability pensions sa Setyembre ngayong taon.

Dahil sa three-year pension reform program ng ahensya na nagsimula noong 2025, may kaparehong pension hike rin sa 2027.

Para naman sa death and survivor pensioners, asahan ang 5 porsyentong pagtaas ng pension ngayong at sa susunod na taon.

Bagamat may pagtaas sa matatanggap na pension, nilinaw ni SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph De Claro na walang pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro.

ADVERTISEMENT

Dahil aniya ito sa isang trilyong pisong reserve funds noong 2025 na naglagay sa SSS sa maayos na financial standing.

What do you feel about this article?