PoliticsLatest News

Sen. Dela Rosa, inalisan ng puwesto sa halos lahat ng komite sa Senado

Tinanggal na si Senador Bato Dela Rosa sa halos lahat ng mga komite na kanyang kinabibilangan sa Senado.

Newslight · · 1 min read

Tinanggal na si Senador Bato Dela Rosa sa halos lahat ng mga komite na kanyang kinabibilangan sa Senado.

Kabilang na d’yan ang Senate Blue Ribbon Committee na pinalitan ni Senator Robin Padilla, at si Senator Joel Villanueva naman sa Committee on Justice.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, halos lahat ng committee membership ni Dela Rosa ay inalis na habang ang mga natitirang posisyon ay papalitan na rin sa mga susunod na sesyon.

Matatandaan na hindi na dumadalo pa sa mga sesyon ng Senado si Dela Rosa matapos ipahayag ni Justice Secretary Boying Remulla na may umano’y ICC arrest warrant laban sa kanya. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?