News LightLatest News

Kampo ni Duterte, pinabulaanan ang planong pagpatay sa kasagsagan ng drug war

Nanindigan ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang ebidensyang nag-uugnay sa kanya sa malawakang pagpatay noong drug war.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Nanindigan ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang ebidensyang nag-uugnay sa kanya sa malawakang pagpatay noong drug war.

Sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, pinabulaanan ng kanyang defense team ang common plan o iyong planong pagpatay sa mga suspected drug users sa kasagsagan ng drug war na sinang-ayunan umano ng mga co-perpetrators o kakunchaba ng dating Pangulo.

Ang depensa ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman, ang mga pagbabanta ng dating Pangulo sa kanyang public statements ay hindi maituturing na shoot-to-kill orders kundi hyperbole o exaggeration lamang.

Idiniin din ni Kaufman na walang testigo ang ICC prosecution na makapagsasabing may direct orders o lantarang utos si Duterte para pumatay.

ADVERTISEMENT

Wala aniyang direktang koneksyon ang mga pagpatay sa mga pahayag ni Duterte, dahilan para maituturing siyang inosente.

What do you feel about this article?