Sa isang pahayag sa social media, inanunsyo ng local artist na si Angelo Sayson ang paglabas ng kanyang pinakabagong single na “Sayo Lamang”.
Ayon kay Sayson, ang awit na ito ay hindi lamang basta musika, kundi isang likha na may mas malalim na kahulugan.
Binigyang-diin ni Sayson na ang kanyang bagong awitin ay may dala umano’ng “anointing” at naniniwala siyang makakarating ito sa mga taong nangangailangan ng mensahe nito.
Ang bagong release ni Angelo ay available na ngayon sa mga pangunahing music streaming platforms.
ADVERTISEMENT
Samantala, nakatakda namang ilabas ng Biyaya at Papuri ang kanilang bagong single na may titulong “Natatangi”.
Sa Facebook page ng grupo, ibinahagi nila ang pasilip sa bagong awit na siguradong magiging parte ng iyong daily worship playlist. Nakatakdang i-release ang “Natatangi” sa darating na March 13, 2026. (Benedict Quejado/News Light)

