Nakamit ng isang cacao farm sa Calbayog City, Samar ang Silver Award sa prestihiyosong Cacao of Excellence Awards na ginanap sa Amsterdam, Netherlands.
Sa ilalim ng Asia and the Pacific Award category, kinilala ang Apoy Benit’s Cacao Agricultural Farming nina Atty. Gerry Dean at Osmeña Tajo, para sa mataas na kalidad ng cacao beans at maayos na agricultural practices.
Ang farm ang naging kinatawan para sa naturang kompetisyon matapos ang masusing proseso ng pagpili ng Philippine Cacao Quality Awards sa itsura, aroma, at lasa ng iba’t ibang cacao beans sa bansa.
Maliban sa nasabing parangal, kabilang rin ang farm sa Top 50 Best Cacao Beans in the World.
ADVERTISEMENT
Kaya pagbati para sa inyong parangal, Apoy Benit’s Cacao Agricultural Farming!

