Sumabog ang Bulkang Kanlaon pasado alas-7 kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, isang moderate explosive eruption at aabot sa 2,500 metrong plume at 2 kilometro naman na pyroclastic density current o “uson” ang ibinuga nito.
Bunsod ng mga ashfall, nagsuspinde ng mga pasok sa ilang mga lugar sa Negros Occidental.
Walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan, private o public, sa La Castellana, Himamaylan City, Isabela, Hinigaran, Barangay Minoyan sa Murcia,
habang primary at secondary levels, pribado at pampublikong paaralan sa Barangay Yubo, Ara-al, at San Miguel sa La Carlota City.
ADVERTISEMENT
Nagdeklara din ng walang pasok sa lahat ng antas, pribado man o pampublikong paaralan sa Canlaon City sa Negros Oriental.
Patuloy na nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.
Inilagay na sa heightened alert ang Negros Island Region Police Regional Office, at nakikipag-ugnayan na ang mga ito sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council para sa mga posibleng paglikas ng mga residente, lalo na sa mga lugar na malapit sa bulkan. (Austin Gonzaga/News Light)

