Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng work immersion ang mga kabataang nasa Special Needs Education (SNED), ayon sa Municipal Ordinance No. 14, Series of 2025.
Isang ordinansa na nagtataguyod ng inklusibong employment sa pamamagitan ng paghikayat sa mga establisimyentong pangnegosyo sa bayan ng Liliw, Laguna na magbigay ng mga pagkakataon para sa work immersion ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan at magkaloob ng trabaho sa mga persons with disabilities (PWD).
Nagsimula na silang magtrabaho sa iba’t ibang business establishment, kung saan labis silang hinangaan sa kanilang kakayahan.
Ito ay ang Project IDE o Inclusive and Developing Employment ng pamahalaang bayan para sa mga PWD, upang maipakita at mapatunayan na bahagi sila ng ating lipunan. (Kevin Pamatmat/News Light)

