Good NewsNews Light

Pelikulang Pilipino, ibinida sa Berlin International Film Festival

Nagningning muli ang pelikulang Pilipino sa pandaigdigang entablado, ngayon naman sa Germany! Sa 76th Berlin International Film Festival, ipinalabas ang iba’t ibang pelikulang gawa ng mga Filipino filmmaker.

Carlene Latuna · · 1 min read

Nagningning muli ang pelikulang Pilipino sa pandaigdigang entablado, ngayon naman sa Germany!

Sa 76th Berlin International Film Festival, ipinalabas ang iba’t ibang pelikulang gawa ng mga Filipino filmmaker.

Kabilang dito ang Swiss-Philippines production na “Enjoy Your Stay” at ang “Filipiñana” ni Rafael Manuel, na nauna na ring nagawaran ng Special Jury Prize sa Sundance Film Festival.

Kasama rin sa ipinalabas sa film festival ang “Raging” at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.”

Ibinida naman ang “RIA” ni Arvin Belarmino sa eksklusibong work-in-progress session.

ADVERTISEMENT

Maliban dito, nakiisa ang delegasyon ng bansa sa Berlinale Co-Production Market upang maghanap ng bagong partnership at global connections.

Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

What do you feel about this article?