News LightFeatured

“PRRD list,” tinalakay sa ikalawang araw ng confirmation of charges hearing

Tinalakay sa ikalawang araw ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y “PRRD list.” Ito ang listahan ng high-value targets o mga indibidwal na may…

Jomar Villanueva · · Updated · 2 min read

Tinalakay sa ikalawang araw ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y “PRRD list.”

Ito ang listahan ng high-value targets o mga indibidwal na may kaugnayan umano sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakapangkat ang mga high-value target mula Level 1 hanggang Level 5 — mula sa mabababang government employees hanggang sa mga high-ranking PNP at AFP officials, gayundin ang mga wholesaler at financier ng ilegal na droga.

Isa lamang ito sa mga pangunahing impormasyong inilatag ng ICC prosecution sa pangunguna ni trial lawyer Edward Jeremy.

ADVERTISEMENT

Bukod sa PRRD list, inilabas din ng ICC prosecution ang dokumentong pirmado ni dating PNP chief at ngayo’y nagtatagong Senador Ronald dela Rosa.

Ayon kay Jeremy, pinagtitibay ng dokumento ang umano’y common plan ng administrasyong Duterte para isagawa ang drug war na kumitil ng libo-libong suspected drug users.

Samantala, sinariwa rin ng ICC prosecution ang mga pagbabanta ni Duterte sa ilang local officials na may kaugnayan umano sa ilegal na droga.

ADVERTISEMENT

Gaya nina dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, na kapwa nasa PRRD list at kapwa pinatay.

Tinalakay din ang pagkitil sa buhay ng 17-year-old na si Kian delos Santos, na umano’y suspected drug user.

Binigyang-diin ng prosecution na nanlaban umano si Kian, taliwas sa kanilang nakalap na CCTV footage.

ADVERTISEMENT

Mababatid na guilty sa kasong murder ang tatlong pulis na pumatay kay Kian.

What do you feel about this article?