News LightFeatured

Panukalang gawing regular holiday ang Pebrero 25, inihain sa Kamara

Naghain ng panukalang batas sa Kamara ang Liberal Party para ideklarang regular national non-working holiday ang Pebrero 25 bilang paggunita sa EDSA People Power Revolution.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Naghain ng panukalang batas sa Kamara ang Liberal Party para ideklarang regular national non-working holiday ang Pebrero 25 bilang paggunita sa EDSA People Power Revolution.

Kasama ni ML Party-list Rep. Leila de Lima sa paghain ng House Bill 8028 si Kiko Aquino-Dee, apo ng mga yumaong sina dating Pangulong Cory Aquino at Senador Ninoy Aquino.

Layunin ng panukala na bigyang-pugay ang mga bayani at biktima ng martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ipagdiwang ang kahalagahan ng demokrasya sa Pilipinas.

Ayon kay De Lima, hindi lamang ito deklarasyon ng holiday kundi pagkilala sa tapang ng sambayanan na nagpatalsik sa diktadura at nagbalik ng demokrasya.

What do you feel about this article?