Kahit saan man dalhin ang Pinoy, nangingibabaw ang galing nito sa pag-awit!
‘Yan ay napatunayan ng Chorus Omnis, isang Dubai-based all-male Filipino choir, matapos silang kilalanin bilang “Choir of the Year” sa ChoirFest Middle East 2026.
Kasunod ng kanilang pagsali sa regional competition nito noong Pebrero 15, binigyan ng parangal ang choir sa pangunguna ng kanilang music director na si Marc Misael Suico Gamil.
Nagtatanghal ang all-male Filipino choir ng mga folk-inspired na piyesa, pati na rin ng classical at contemporary na mga awitin.
ADVERTISEMENT
Kilala ang ChoirFest Middle East bilang isa sa nangungunang choral festival na nilalahukan ng mga choir mula sa mga paaralan at komunidad sa rehiyon.
Kaya, congratulations sa inyong parangal, Chorus Omnis!

