Good NewsFeatured

Librong ‘Faith and Politics’, inilunsad ilang araw bago ang EDSA 40th anniversary

Dalawang araw bago ang makasaysayang 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, inilunsad ang isang bagong libro na tumatalakay sa pananampalataya at politikang patuloy na humuhubog sa bansang Pilipinas.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Dalawang araw bago ang makasaysayang 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, inilunsad ang isang bagong libro na tumatalakay sa pananampalataya at politikang patuloy na humuhubog sa bansang Pilipinas.

Tampok sa aklat na “Faith and Politics: Filipino Evangelical Insights in Political Theology” ang mga sanaysay mula sa mga Kristiyanong eksperto sa iba’t ibang larangan.

Ang aklat ay co-edited nina Dr. Alrin Peñamora na nagsisilbing executive director ng PCEC Theological Commission at Dr. David Lim na presidente ng China Ministries International Philippines.

Distributed naman ang aklat ng Langham Publishing mula sa UK.

Nagpahayag naman ng suporta sa libro ang ilang Christian leaders gaya nina retired justice Bishop Raoul Victorino at Philippines for Jesus Movement national president Bishop Leo Alconga.

ADVERTISEMENT

Kung nais makabili ng kopya ng Faith and Politics, pumunta lamang sa langhamliterature.org.

Mabibili ito sa halagang 27.99 euros o 2,200 pesos.

What do you feel about this article?