Dalawang resolusyon ang isinumite sa Kamara para hikayatin ang pamahalaan na muling sumali sa International Criminal Court (ICC).
Nag-file ng House Resolution No. 809 sina Antonio Trillanes, Representative Sarah Elago, at Renee Co na nananawagan sa gobyerno na isulong ang reaccession ng Pilipinas sa Rome Statute.
Ayon sa mga Makabayan lawmakers, paiigtingin nito ang hustisya, karapatan, at dignidad ng tao.
Pahayag naman ni Rep. Percival Cendaña, ang pagbalik sa ICC ay magpapakita ng solidaridad sa mga biktima ng mga di-makatarungang pagpatay at tokhang sa panahon ni dating Pangulong Duterte.

