Muling umakyat sa No. 31 ang Women’s Tennis Association (WTA) ranking ni Pinay tennis star Alex Eala.
Mula sa dating No. 47 at naging No. 40, umakyat sa No. 31 ang ranking ni Eala sa WTA.
Dahil ito sa pagkapanalo ni Eala kay world No. 7 Jasmine Paolini at kay Sorana Cirstea sa nakaraang Dubai Duty Free Tennis Championships.
Naka-set naman si Eala para lumaban sa Indian Wells Open at Miami Open. (Austin Gonzaga/News Light)

