Good NewsLatest News

Dalawang Pinoy maritime cadets, nagkamit ng prestihiyosong Lüddeke Prize

Muling ipinamalas ng Pinoy ang kanilang husay, ngayon naman sa pagmamarino. Dalawa kasi sa tatlong pinarangalan ng prestihiyosong Lüddeke Prize para sa taong ito ay maritime students mula sa Pilipinas.

Carlene Latuna · · 1 min read

Muling ipinamalas ng Pinoy ang kanilang husay, ngayon naman sa pagmamarino.

Dalawa kasi sa tatlong pinarangalan ng prestihiyosong Lüddeke Prize para sa taong ito ay maritime students mula sa Pilipinas.

Si John Emmanuel Espiritu at si Danny Christian Jumayao ay nagwagi ng Luddeke Prize mula sa The Nautical Institute na kumikilala sa mga maritime students na nagpakita ng pinakamataas na antas ng propesyonal na galing, dedikasyon, at ambag habang nag-aaral.

Nagpasalamat si John Emmanuel sa pagkilala at iginiit na ito ay repleksyon ng kanyang natutunan sa Maritime Academy of Asia and the Pacific.

Dagdag rin, aniya, ito sa paglago ng kredibilidad ng Pilipinas sa global maritime industry.

ADVERTISEMENT

Para naman kay Danny Christian, isa naman sa pinakamagandang plot twist ng kanyang journey ang Luddeke Prize.

Kaya, pagbati sa ating marine cadets na nagwagi!

What do you feel about this article?