Mag-iisang taon matapos arestuhin at ilipad sa The Hague, nakatakdang magsimula ngayong araw ang confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Magsisimula ang pre-trial hearing alas-5 ng hapon dito sa Pilipinas o alas-10 ng umaga sa The Hague, Netherlands.
Mapapanood ito via livestreaming sa website ng International Criminal Court (ICC) maging sa kanilang Facebook page at YouTube channel.
Dito maghaharap ang ICC prosecution, defense team ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, at legal representatives ng mga biktima ng drug war upang tukuyin kung may sapat bang ebidensiya para gumulong ang kaso laban kay Duterte.
Samantala, pinangalanan ng pamilya Duterte ang anim na abogadong kakatawan sa dating Pangulo.
ADVERTISEMENT
Kabilang sa mga abogado sina Salvador Medialdea, Martin Delgra II, Silvestre Bello III, Caesar Dulay, at Salvador Panelo na pawang nagsilbi sa ilalim ng administrasyong Duterte, maging si Alfredo Lim Jr.
Bilang pagwawasto sa naunang naiulat, hindi pa masisilayan ng publiko si Duterte.
Pinayagan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang hindi pagdalo ng dating Pangulo sa pre-trial hearing.

