Namataan ang nasa 20 barko ng China malapit sa Pag-asa Island sa isinagawang maritime domain awareness flight ng Philippine Coast Guard (PCG) noong February 21.
Kabilang sa mga umaaligid ang 17 Chinese maritime militia vessels, dalawang barko ng China Coast Guard, at isang People’s Liberation Army Navy ship.
Namataan din mula sa himpapawid ang artificial island na itinayo ng China sa Mischief Reef o Panganiban Reef, na nasa 130 nautical miles lamang mula sa Palawan.
Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon sa lugar. (Pink Feliciano/News Light)

