News LightLatest News

₱233.2 milyon na halaga ng cocaine sa Calamba City, Laguna, nakumpiska ng PDEA sa dalawang Indian national

Nasa pangangalaga na ngayon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Indian national na nakuhanan ng humigit-kumulang 44,000 gramo ng hinihinalang cocaine na may standard price…

Newslight · · 1 min read

Nasa pangangalaga na ngayon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Indian national na nakuhanan ng humigit-kumulang 44,000 gramo ng hinihinalang cocaine na may standard price value na ₱233.2 milyong piso sa isinagawang buy-bust operation sa Calamba City.

Kalaboso na ngayon ang dalawang Indian national sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA-NCR.

Ayon kay Director Arnold Carreon, ikinasa ang operasyon ganap na alas-2:30 ng madaling araw noong February 21, 2026 sa Brgy. Lamesa, Villa de Calamba.

Kinilala ang mga nasakote na sina alias “Fivesix,” 30 taong gulang, Indian national, negosyante, at alias “Ali,” 32 taong gulang, Indian national.

Narekober sa operasyon ang dalawang kilo ng pinaghihinalaang cocaine na nakalagay sa isang brown paper bag, at 42 kilo ng pinaghihinalaang cocaine na nakalagay naman sa isang bukas na kartong kahon.

ADVERTISEMENT

Kasama ring nakuha ang buy-bust money, isang brown paper bag na ginamit bilang lalagyan nito, isang smartphone, at mga pasaporte.

Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Kevin Pamatmat/News Light)

What do you feel about this article?