News LightLatest News

Rep. De Lima, sinabing patunay ang waiver ni FPRRD na maaari itong litisin sa ICC

Sapat na umano ang ebidensiya ang waiver na isinumite ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na nasa maayos itong kalusugan para litisin, batay kay Mamamayang Liberal…

Newslight · · 1 min read

Sapat na umano ang ebidensiya ang waiver na isinumite ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na nasa maayos itong kalusugan para litisin, batay kay Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima.

Sa isang social media post, ani De Lima, taliwas ang waiver sa argumento ng kampo ni Duterte na humihina na ang pag-iisip nito, dahil bukod sa naunawaan niya ang pahayag, nagawa pa nitong pumirma sa dokumento.

Dagdag pa ni De Lima, pruweba ito laban sa argumento ni Nicholas Kauffman, ang abogado ni Duterte, na hindi na ito makapagbigay pa ng instructions para sa kanyang defense.

Pagtatangka din umano ito ni Kauffman na “mag-damage control” para ipagpaliban ang confirmation of charges ni FPRRD.

ADVERTISEMENT

Ang mga pahayag ay kasunod ng paglalabas ni Kauffman ng kopya ng liham ni Duterte, na sinabing siya’y matanda at nanghihina na para dumalo pa sa pagdinig. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?