Dalawang taon bago ang 2028 elections, nauna nang magdeklara ng pagtakbo bilang pangulo si Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang talumpati nitong Miyerkules, humingi ng tawad sa publiko si VP Sara dahil tinulungan aniya si President Ferdinand Marcos Jr. na manalo sa halalan.
Mababatid na nagtambal ang dalawa bilang UniTeam noong 2022 elections.
Inakusahan ni VP Sara si Marcos Jr. ng korapsyon, kapabayaan sa pamamahala, at kawalan ng katapatan.
Samantala, naging matipid ang tugon ng Pangulo sa anunsyo ng kanyang dating running mate.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, sinabi ng Pangulo na “good luck.”
Hindi naman tinukoy ng Palasyo kung sinsero o sarcastic ang tugon ng Pangulo.

