News LightLatest News

SK chairman na humawak sa mga siopao at hotdog sa isang convenience store sa Laguna, nag-public apology

Nag-viral sa social media ang ginawang paghawak sa mga siopao at hotdog ng isang Sangguniang Kabataan chairman sa convenience store ng Sta. Cruz, Laguna.

Newslight · · 1 min read

Nag-viral sa social media ang ginawang paghawak sa mga siopao at hotdog ng isang Sangguniang Kabataan chairman sa convenience store ng Sta. Cruz, Laguna.

Dahil sa pangyayaring ito, agad itong humingi ng public apology sa mali niyang inasal.

Inulan ng mga basher sa social media ang paghawak ng SK chairman sa mga siopao at hotdog sa isang convenient store sa bayan ng Sta. Cruz.

Ayon kay SK chairman Mark Adrian Napiza ng Brgy. Bubukal, lasing siya nang ito ay mangyari at bahagi lamang ito ng kanyang content.

Makaraan ang insidente, binayaran naman niyang lahat ang mga siopao at hotdog na kanyang hinawakan at pinisa-pisa.

ADVERTISEMENT

Nakahanda naman nitong harapin ang anumang aksyon ng SK Federation ng bayan ng Sta. Cruz, maging ang kaukulang pananagutan sa DILG.

Kaugnay sa kanyang mga nalabag na panuntunan bilang isang public servant. (Kevin Pamatmat/News Light)

What do you feel about this article?