PoliticsLatest News

Sen. Imee Marcos, suportado ang pagtakbo ni VP Sara Duterte sa 2028 national elections

“Siya ang may solusyon” — ganito inilarawan ni Imee Marcos si VP Sara Duterte habang hayagang sinuportahan ang pagtakbo nito sa pagkapangulo. Ngunit sa kabila ng suporta, siya na kaya…

Newslight · · 1 min read

Suportado ni Senator Imee Marcos ang pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo itong pangulo sa darating na 2028 national elections.

Ayon kay Marcos, ang paghahayag ng Bise Presidente ay pagtugon sa panawagan ng kanyang mga tagasuporta.

Dagdag pa ng senadora, taglay umano ng Bise Presidente ang tapang at malasakit ng kanyang ama, kasama ang karanasan sa pagtulong sa mga maralita, nangangailangan, at pinagmamalupitan.

Samantala, hindi naman kinumpirma o pinasinungalingan ni Marcos kung siya ba ang magiging katandem ni Duterte bilang bise presidente sa 2028.

Ito ay matapos sabihin ni Senator Robin Padilla sa isang panayam na personal niya umanong isinusulong ang Sara-Imee tandem.

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ni Marcos na forever running mate niya ang Bise at sunod-sunuran umano siya rito.

Habang binigyang-diin naman ng senadora na hintayin na lamang ang pormal na anunsyo ni Duterte tungkol sa mga susunod na hakbang.

Iginiit din niya na magandang development ang pagtakbo ni Duterte dahil nagbibigay umano ito ng pag-asa sa mga Pilipino sa gitna ng mga isyung kinaharap ng bansa at sa malawakang korapsyon. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?