Kinastigo ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang pahayag ni Senator Bam Aquino na sa local courts dapat dinggin ang mga kaso kaugnay ng extrajudicial killings sa ilalim ng Duterte administration.
Hirit naman ng ilang senador, dapat linawin ang posisyon ng Kapulungan ukol sa posibleng pag-aresto kina Senator Bong Go at Senator Bato dela Rosa na tinukoy ng ICC bilang co-perpetrators sa war on drugs.

