Life is indeed better with coffee!
Kaya kung katulad ka namin na nagkakape every morning, try na ring bisitahin ang kaisa-isang coffee shop sa Pilipinas na napabilang sa World’s 100 Best Coffee Shops 2026!
Ang Yardstick Coffee, na nauna na ring naging popular dahil sa kanilang Sea Salt Latte, ay nasa 34th spot ng listahan ng mga best coffee shop sa mundo.
Base ang listahan sa review at boto ng mga coffee enthusiasts at experts na dumayo sa iba’t ibang cafe sa mundo upang matikman at malaman kung ano ang may best quality na kape at kabuuang coffee experience.
ADVERTISEMENT
Itinatag noong 2013 ang Yardstick nina Andre Chanco, Kevin Tang, at Jessica Lee, at ngayon ay may sampung branches na sa buong bansa.
Congratulations, Yardstick Coffee!

