Walang balak si dating Pangulong Rodrigo Duterte na magpakita sa napipintong confirmation of charges sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang liham na inihanda ng kampo ni Duterte, sinabi ng dating Pangulo na siya ay may edad na at nakararanas ng pagkapagod at panghihina para humarap pa sa trial.
Wala aniya siyang balak na dumalo in person o kahit via video call.
Mananatili na lamang aniya siya sa kanyang selda.
ADVERTISEMENT
Kung aaprubahan ng ICC, ang abogado ni Duterte na si Nicholas Kauffman ang haharap sa confirmation of charges na nakatakda sa February 23 hanggang February 27.

