Binatikos ni former Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza ang pahayag ni Senator Bam Aquino na mas “ideal” umano na sa korte sa Pilipinas litisin ang mga kasong may kinalaman sa extrajudicial killings (EJK).
Ayon kay Mendoza, “insensitive” ang ganitong pahayag lalo na sa mga pamilya ng mga biktima na umaasa sa hustisya sa pamamagitan ng International Criminal Court o ICC, na tinuturing na “court of last resort.”
Giit niya, hindi dapat basta inaalis ang opsyon ng mga biktima na dumulog sa international na hukuman, lalo na kung naniniwala ang mga ito na hindi nakakamit ang katarungan sa loob mismo ng bansa.
Dagdag pa ni Mendoza, madaling sabihin ang mga ideal na solusyon kung hindi naman naging bahagi ng pakikibaka para sa hustisya ang nagsasalita. (Pink Feliciano/News Light)

