Pasok sa quarterfinals ang ating Pinay tennis star Alex Eala matapos manalo kay Sorana Cirstea sa round of 16 ng Dubai Tennis Championship.
Panalo si Eala kay Cirstea, 7-5, 6-4. Para kay tennis star, ang laban ay nabalot ng tension, na kalauna’y naging masaya at nagbigay ng satisfaction sa kanyang laro.
Pinasalamatan naman nito ang Filipino fans na nagpuyat para panoorin ang kanyang laban, aniya, nakadagdag ito ng inspirasyon para manalo.
Habang isa nanamang malaking laban kay Eala ang kasunod nitong laro, dahil ang world number 4 na si Coco Gauff ang kanyang makakalaban sa round of 4 ng Dubai Tennis Championship. (Austin Gonzaga/News Light)

