Nagsusulong ng 1-peso provisional fare hike ang grupong Pasang Masda kasunod ng sunod-sunod na sipa sa presyo ng petrolyo.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, lubos na naaapektuhan ng mahal na langis ang mga drayber. Kaya maunawaan sana umano ng Department of Transportation – Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang hakbang.
Dagdag ni Martin, pansamantala lang naman ang taas-pasaheng mula P13 sa P14 sa base fare, kaya pagbigyan na umano ng mga komyuter.
Matatandaang nag-anunsyo ang mga oil companies kamakailan ng P1.20 kada litrong taas sa gasolina at P0.60 naman kada litro sa diesel at kerosene.
ADVERTISEMENT
Wala pang komento ang LTFRB hinggil sa petisyon. (Denniel Salayo/News Light)

