Good NewsLatest News

Pilipinong pulis, nanguna sa police exchange program sa Abu Dhabi

Kinilala bilang top performer ang isang 30-year-old na pulis mula sa Camarines Sur sa prestihiyosong Police Exchange Program sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Carlene Latuna · · 1 min read

Kinilala bilang top performer ang isang 30-year-old na pulis mula sa Camarines Sur sa prestihiyosong Police Exchange Program sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Si Police Major Inar Vic Valencia Florence ang nanguna sa 52 na police officers mula sa 35 na bansa para sa International Police Exchange Program ng Abu Dhabi Police College, sa ilalim ng UAE Ministry of Interior.

Nanguna si Florence sa behavioral at competency assessments maging sa academic component ng program.

Layon ng program na pagtibayin ang kakayahan ng kapulisan sa modern policing, leadership, at maging sa international law enforcement cooperation.

Tinanggap ni Florence ang pagkilala sa kanilang pagtatapos noong Enero na dinaluhan ng Crown Prince ng Abu Dhabi na si His Highness Sheikh Khaled bin Mohamed.

ADVERTISEMENT

Pinuri rin ni Philippine Ambassador Alfonso Ver si Police Major Florence para sa kanyang parangal.

What do you feel about this article?