News LightLatest News

Pat Barrett, muling magbabalik sa worship scene sa paglalabas ng live album na ‘Break Open’

Muling nagbabalik ang Grammy-nominated worship artist na si Pat Barrett sa paglalabas ng kanyang pinakabagong single na "Break Open."

Newslight · · Updated · 1 min read

Muling nagbabalik ang Grammy-nominated worship artist na si Pat Barrett sa paglalabas ng kanyang pinakabagong single na “Break Open.”

Ang nasabing kanta ay ang title track para sa kanyang inaabangang live album na nakatakdang ilabas sa darating na March 2026.

Kasabay ng pag-release ng kanta, inilabas din ang isang live performance video na kinuha mula sa “Big Church Day Out.”

Ayon kay Barrett, ang “Break Open” ay isang panalangin upang mas mapalawak pa ang pag-unawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos na higit pa sa kayang isipin ng ating isipan.

ADVERTISEMENT

Ibinahagi ng singer na matagal na niyang sinubukang i-record ang kantang ito ngunit ngayon lang dumating ang tamang panahon at pagkakataon para ibahagi ito sa mundo bilang bahagi ng kanyang live project.

Si Pat Barrett ay ang boses at sumulat ng worship song na “Build My Life” at co-writer ng “Good Good Father,” na ininterpret naman ng tanyag na worship singer na si Chris Tomlin. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?