Ikinakasa na ang ikaapat na civilian mission sa West Philippine Sea, ayon kay Akbayan President at ATIN ITO convenor Rafaela David.
Sa pangunguna ng ATIN ITO coalition at Akbayan Party-list, inaasahan ang panibagong civilian mission sa darating na summer.
Noong Mayo pa isinagawa ang huling civilian mission na tinawag na “A Concert at Sea for Peace and Solidarity,” isang protesta sa pamamagitan ng musika na nagbigay-diin sa pagmamay-ari at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nagpahayag naman ng suporta si Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela at iginiit na handang tumulong ang ahensya para sa seguridad ng mga makikilahok.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Tarriela, malaki ang epekto ang pagkilos ng sibilyan at magiging ‘headache’ pa ito para sa Chinese Communist Party.
Base sa datos ng PCG noong 2025, dumami ang Chinese Coast Guard at maritime militia na nadeploy sa West Philippine Sea, na nakaapekto sa kabuhayan at seguridad ng mga mangingisdang Pilipino.

