PoliticsFeatured

Mga kasabwat umano ni dating Pangulong Duterte sa madugong drug war, pinangalanan na ng ICC

Walong personalidad, kabilang ang dalawang senador, ang pinangalanan ng International Criminal Court (ICC) sa bagong development sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Jomar Villanueva · · Updated · 2 min read

Walong personalidad, kabilang ang dalawang senador, ang pinangalanan ng International Criminal Court (ICC) sa bagong development sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawag ng ICC na mga co-perpetrators o kasabwat sa drug war sina:

  • Sen. Ronald “Bato” dela Rosa
  • Sen. Bong Go
  • Dating Philippine National Police chief Vicente Danao
  • Dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde
  • Dating National Bureau of Investigation chief Dante Gierran
  • Dating Philippine Drug Enforcement Agency chief Isidro Lapeña
  • Dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II
  • At yumaong dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan

Ayon sa ICC, may common plan o nagkuntsabahan umano ang naturang mga personalidad para isagawa ang drug war sa pamamagitan ng pag-neutralize sa mga drug suspect gamit ang pagpatay o iba pang karahasan.

Naniniwala ang ICC na ginamit ng mga co-perpetrators ang kanilang posisyon sa pamahalaan para kontrolin ang kagustuhan ng mga pulis na pumatay.

Pumalag naman sina Sen. Bong Go at dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II sa paratang.

Wala umano silang kinalaman sa mga patayan noong drug war.

ADVERTISEMENT

Pumalag din ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at ipinagtanggol sina dela Rosa at Go na kapwa kaalyado.

Inaabangan naman kung maglalabas ng arrest warrant ang ICC at kung maaaresto ang mga tinukoy na kasabwat ni Duterte.

Nakatakda sa February 23 ang confirmation of charges laban kay Duterte sa kasong crimes against humanity at multiple counts of murder.

What do you feel about this article?