Karamihan sa mga kabataan ngayon ang nakararanas ng maagang pagbubuntis.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang porsyento ng mga babaeng nabubuntis sa Pilipinas na edad 15 hanggang 19 mula 8.6% noong 2017 patungong 5.4% noong 2022.
Pero ang nakababahala, tumaas naman ang bilang ng mga batang babaeng nabubuntis na edad 10 hanggang 14.
Halos 300% ang inilobo nito kumpara noong mga nakaraang dekada.
Ayon naman sa Commission on Population and Development, posibleng factor dito ang mga batang anak ng OFW na naiiwang mag-isa sa bahay at maaaring makaranas ng pang-aabuso.
Marami rin ang maagang na-expose sa social media.
ADVERTISEMENT
Giit pa ng PopCom, sa kabila ng kampanya sa reproductive health, maging sa sexually transmitted infections at HIV, may stigma pa rin at kahihiyan ang ilan na magtanong o magpakonsulta.
Kulang din umano ang lalim ng pagtuturo ng mga ito sa paaralan.

