Latest NewsFeatured

Bibliya ginawang taguan ng shabu, P55-M halaga nasabat sa NAIA

Nasabat ng Bureau of Customs ang tinatayang P55.38 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa isang German national sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Nasabat ng Bureau of Customs ang tinatayang P55.38 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa isang German national sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Na-flag ang pasahero matapos makita sa X-ray scanner ang kahina-hinalang larawan sa kanyang bagahe mula sa connecting flight na galing Addis Ababa, Ethiopia.

Sa pisikal na pagsusuri, natuklasan ang mga puting kristal na sangkap na nakatago sa false compartment ng maleta at sa loob ng dalawang Bibliya.

Tumitimbang ito ng humigit-kumulang 8.145 kilo at nagpositibo sa methamphetamine hydrochloride batay sa K9 sweep at field testing.

ADVERTISEMENT

Inaresto ang suspek at ipinasa ang mga ebidensya sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa karagdagang imbestigasyon kaugnay ng paglabag sa mga batas kontra ilegal na droga at smuggling. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?