Good NewsFeatured

Artwork gawa sa karton, tampok sa art exhibit sa Baguio City

Kung basura na ang tingin sa mga gamit na karton, para sa iba, ito ay materyal para gumawa ng malikhaing at sustainable na artwork. Ibinida ng mga junior at senior…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Kung basura na ang tingin sa mga gamit na karton, para sa iba, ito ay materyal para gumawa ng malikhaing at sustainable na artwork.

Ibinida ng mga junior at senior high school students ng Baguio City ang kanilang mga artwork na gawa sa gamit na corrugated cardboard sa Likhang Karton: Art Exhibition Opening and Awarding Ceremony sa Baguio Museum.

Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain at “out-of-the-box” na ideya sa paggamit ng karton.

Nakamit ng Entry No. 5 ng Don Bosco School ang grand prize, samantalang ibinigay ang consolation prizes sa Entry No. 13 ng Saint Louis School of Pacdal, Entry No. 8 ng STI College Baguio, at Entry No. 10 ng University of Baguio.

Nagkamit naman ng special citation award ang Entry No. 1 ng University of Baguio High School.

ADVERTISEMENT

Pagbati sa lahat! Hanga kami sa inyong husay at malasakit sa kalikasan.

What do you feel about this article?