News LightLatest News

1 sa 4 na Pilipino, nakasaksi o nakaranas ng panloloko ayon sa bagong SWS survey

Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations na isa sa apat na adult Filipino ang nakasaksi o nakaranas ng panloloko sa relasyon.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Young man holding hand of wrong girl

Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations na isa sa apat na adult Filipino ang nakasaksi o nakaranas ng panloloko sa relasyon.

Sa mahigit isanlibong respondents, 27% ang nagsabing may karanasan sila ng panloloko, habang 72% ang nagsabing wala.

Pinakakaraniwan ang physical cheating at emotional cheating. Sumunod ang cybercheating, object, financial at microcheating, kabilang na ang pakikipag-flirt sa iba sa chat.

Habang walong porsyento naman ang nagsabing nakaranas sila ng dalawa o higit pang uri ng panloloko.

ADVERTISEMENT

Isinagawa ang survey noong November 24 hanggang 30, 2025 na may ±3% margin of error sa national results.

What do you feel about this article?