Sumadsad sa 46 percent ang mga Pinoy adults na nagsabing masaya sila sa kanilang love life, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Napag-alaman rin sa poll noong Nobyembre 24–30 ng nakaraang taon na 40 percent sa mga adults ay naniniwalang sila’y may isasaya pa, habang 14 percent naman ang umaming wala silang buhay pag-ibig.
Sa mga kababaihan, mataas pa rin ang antas ng happiness sa love life ng mga ikinasal sa 57 percent, na sinundan ng 45 percent para sa mga live-in partners, at 22 percent sa mga single noong Nobyembre.
Para naman sa kalalakihan, mga married din ang pinakamasaya sa kanilang love life na umabot sa 55 percent, 50 percent para sa mga live-in at 28 percent naman sa mga walang kapares. (Denniel Salayo/News Light)

