News LightLatest News

Pilipinas, pangatlo sa pinakakorap sa Southeast Asia – 2025 Perception Corruption Index

Pangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na antas ng korapsyon sa Southeast Asia, habang pang-120 naman ito sa 182 na bansa sa buong mundo, batay sa 2025 Corruption…

Newslight · · Updated · 2 min read

panoramic shot of handcuffed man holding bribe on grey

Pangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na antas ng korapsyon sa Southeast Asia, habang pang-120 naman ito sa 182 na bansa sa buong mundo, batay sa 2025 Corruption Perceptions Index na inilabas ng Transparency International.

Ginagamit sa pag-aaral ang pananaw ng mga eksperto at negosyante upang sukatin ang umano’y antas ng katiwalian sa public sector ng bawat bansa.

Kung titingnan ang iba pang ASEAN countries, mas mababa ang ranking ng Pilipinas kumpara sa Singapore na nasa ika-3, Malaysia sa ika-54, Brunei sa ika-63, Timor-Leste sa ika-73, Vietnam sa ika-81, Laos at Indonesia sa ika-109, at Thailand sa ika-116.

Mas mababa lamang ang Pilipinas kumpara sa Cambodia na nasa ika-163 at Myanmar na nasa ika-169.

Sa reaksyon ng Malacañang, sinabi nitong hindi na ito ikinagulat dahil binuksan na rin umano ng administrasyon ang mga isyu ng korapsyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, bunga ng mga isinasagawang imbestigasyon ang paglitaw ng mga dating nakatagong anomalya, at bahagi ito ng paglilinis ng kasalukuyang pamunuan.

Giit ng Palasyo, nakatutok ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga reporma upang mapanagot ang mga dapat managot at mapatibay ang tiwala ng publiko. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?