Good NewsLatest News

‘Furst Dates’: PAWS, naglunsad ng event para makasama ang rescued animals sa Araw ng mga Puso

Para sa mga walang date ngayong Araw ng mga Puso, bakit hindi ninyo na lang ipadama ang inyong love sa mga fur babies?

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Para sa mga walang date ngayong Araw ng mga Puso, bakit hindi ninyo na lang ipadama ang inyong love sa mga fur babies?

Bilang selebrasyon ng linggo ng mga puso, inilunsad ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang “Furst Date,” isang fundraising event kung saan maaaring maka-bonding ang kanilang rescued animals.

Maliban sa meowningful date kasama ang mga rescued cats and dogs, maaari rin silang i-adopt para makasama na fur-ever.

Nagsimula na nga ang online dates with the fur babies noong Pebrero 10 at fully booked na ang event mula kahapon hanggang bukas, sa mismong Araw ng mga Puso.

Pero kahit fully booked na ang on-site at online date, maaari pa ring mag-sponsor o magpaabot ng tulong para sa mga rescued animals ng PAWS.

ADVERTISEMENT

Tunay ngang ang pagmamahal ay maaari nating maibahagi maging sa mga rescued animals na nais ding makadama ng love this Heart’s Day.

What do you feel about this article?