News LightLatest News

Anim na pelikula, aprubado ng MTRCB ngayong Linggo ng mga Puso

Feb-ibig na! May mga ka-date na ba kayo? Ano pang hinihintay ninyo? Ayain na ang kasintahan, pamilya, o mga kaibigan sa mga malalapit na sinehan! Aprubado na kasi ng Movie…

Newslight · · Updated · 1 min read

Feb-ibig na! May mga ka-date na ba kayo? Ano pang hinihintay ninyo? Ayain na ang kasintahan, pamilya, o mga kaibigan sa mga malalapit na sinehan!

Aprubado na kasi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikula ngayong linggo ng mga puso, tampok ang mga kuwentong puno ng pag-ibig, aksyon at matitinding katatakutan.

Kabilang dito ang mga romantic drama na “The Loved One” na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Anne Curtis at Catriona Gray, at ang “Wuthering Heights” na parehong R-13.

Samantala, R-13 din ang action thriller na “Shelter,” habang may PG rating naman ang animated film na “Goat.”

ADVERTISEMENT

Kapwa R-16 naman ang ilang horror films gaya ng “Strangers Chapter 3” dahil sa matitinding katatakutan at mature na tema.

Ayon kay Lala Sotto, tinitiyak ng board na ang mga pelikula ay angkop sa edad ng manonood upang maprotektahan ang mga kabataan. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?