News LightLatest News

Sen. Padilla, tinawag na “weak” ang mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon

Tinawag ni Senador Robin Padilla na masyadong “weak” at “iyakin” ang mga bata sa kasalukuyang henerasyon dahil umano sa sobrang exposure sa social media.

Newslight · · 1 min read

Tinawag ni Senador Robin Padilla na masyadong “weak” at “iyakin” ang mga bata sa kasalukuyang henerasyon dahil umano sa sobrang exposure sa social media.

Ayon sa senador, hindi umano katulad ngayon ang panahon nila noon, at binigyang-diin na hindi raw uso ang salitang “depression” sa kanilang henerasyon.

Binigyang-diin din ni Padilla na hindi umano sila “iyakin” at natuto rin umano sila na huwag umupo at umiyak sa mga pagsubok.

Dagdag pa ng senador, hindi raw ito simpleng opinyon lamang dahil ito ay base sa datos ng World Health Organization noong 2021.

ADVERTISEMENT

Giit ni Padilla, imbes na pag-usapan ang kanyang pahayag, mas mabuting gumawa na lang ng mga hakbang upang matugunan ang nasabing isyu. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?