Tumaas ng 6 points ang satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte noong fourth quarter ng 2025, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula November 24 hanggang 30.
Lumabas sa survey na 54 percent sa 1,200 respondents ang umano’y “satisfied” sa pagtatrabaho ng bise, kontra sa 26 percent namang “dissatisfied.”
Resulta nito ang +28 na net satisfaction rating para kay Duterte, na klasipikadong “moderate” at mas mataas sa +22 noong September 2025.
Pinakamataas ang net satisfaction ni Duterte sa Mindanao, na pumalo sa +70; sinundan ng +41 sa Visayas, +9 sa Balance Luzon, at neutral na net zero sa Metro Manila. (Denniel Salayo/News Light)

