Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na inuulit umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malawakang korupsiyong iniuugnay sa panahon ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa sesyon ng Kamara noong Pebrero 10, sinabi ni Tinio na nakakita umano siya ng “communication records” na nagpapakitang may direktang kaalaman ang pangulo sa umano’y kickback scheme na kaugnay ng flood control corruption scandal.
Ayon pa kay Tinio, may breakdown din umano sa mga mensahe kung paano ginamit ang pondo, kabilang ang mga gastusin sa kampanya at bayad sa mga konsultant.
Ang mga paratang ay bahagi ng na-dismiss na impeachment complaint na inendorso ng Makabayan bloc.
ADVERTISEMENT
Kasabay nito, inanunsyo ni Tinio na dadalo sila sa “Trillion Peso March Part 3” sa Pebrero 25, kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. (Pink Feliciano/News Light)

