Good NewsLatest News

Mural festival tampok ang kahalagahan ng West Philippine Sea, inilunsad

Upang maihatid ang kuwento at katotohanan tungkol sa teritoryo ng Pilipinas, nagkaisa ang mga filmmaker at artist sa paglulunsad ng WPS Mural Festival, isang national mural festival na tampok ang…

Carlene Latuna · · 1 min read

Upang maihatid ang kuwento at katotohanan tungkol sa teritoryo ng Pilipinas, nagkaisa ang mga filmmaker at artist sa paglulunsad ng WPS Mural Festival, isang national mural festival na tampok ang West Philippine Sea.

Isa sa nanguna para sa proyekto ay ang direktor na si Baby Ruth Villarama, na siya ring lumikha ng award-winning dokyu na Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea na tungkol naman sa buhay at pagsubok ng mga mangingisda sa lugar.

Ayon kay Villarama, nais nilang mas marami pang storyteller o manlilikha ang sumali upang madala ang kuwento ng West Philippine Sea sa publiko.

Isa pa sa nanguna sa festival ay ang muralist na si AG Saño na naghahanap ng mga entry na sumasalamin sa katotohanan at nakaugat sa naratibo ng mga komunidad sa lugar.

ADVERTISEMENT

Hinihikayat ang mga kabataan, paaralan, at mga lokal na pamahalaan na makilahok sa mural festival.

Pipili ng 100 winning designs mula sa mga entry sa buong bansa at makakakuha ang mga ito ng ₱30,000 na cash prize, samantalang ₱1 milyon naman ang matatanggap ng top entry.

What do you feel about this article?