Handa na ang worship band na Sidhimig na muling antigin ang puso ng mga tagapakinig sa nakatakdang paglalabas ng kanilang fresh take para sa awiting “Nararapat Lang” ngayong darating na Biyernes.
Sa isang post sa social media, ibinahagi ng grupo ang isang pasilip sa kanilang studio performance kung saan makikita ang kanilang masiglang pagpuri.
Kasabay ng pagdiriwang para sa Araw ng mga Puso, nais ipaalala ng banda ang totoong pinagmulan ng ultimate love story — ang buhay na ibinigay ni Hesus para sa lahat.
Inaasahang magiging available ang bagong track ng Sidhimig sa lahat ng major streaming platforms. (Benedict Quejado/News Light)

