Balitang A2ZFeatured

Sen. Villanueva, naghain ng panukala para wakasan ang online harassment ng mga lending company

Isinulong ni Sen. Joel Villanueva ang Fair Debt Collection Practices Act para pigilan ang pang-aabuso ng ilang lending companies at online lending apps sa mga nangungutang. Sa ilalim ng panukala,…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Isinulong ni Sen. Joel Villanueva ang Fair Debt Collection Practices Act para pigilan ang pang-aabuso ng ilang lending companies at online lending apps sa mga nangungutang.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang mga pagbabanta, pagmumura, pagmamahiya, sobrang daming tawag at mensahe, pakikialam sa employer o kamag-anak at paniningil ng higit sa napagkasunduan.

“Ang utang ay obligasyon, pero  hindi ito kasalanan. At lalong  hindi ito dahilan upang yurakan  ang pagkatao ng iba.. Sa halip na tulungan ang nangangailangan, ang gipit ay  lalong ginigipit. Sa halip na  maging tulay sa pagbangon, pinagkakakitaan ang paghihirap ng sariling kababayan,” ayon kay Villanueva.

Ibinahagi rin ng senador, na libu-libong Pilipino ang nakararanas ng matinding harassment kahit maliit lang ang inutang.

ADVERTISEMENT

Diin pa ni Villanueva, hindi ipinagbabawal ang paniningil, kundi ang sobra-sobrang pang-aabuso
sa dignidad at karapatan ng mga Pilipino.

What do you feel about this article?