Bilang bahagi ng pagpapalakas ng ministeryo sa musika, handog ng I Am, Redeemer & Master Ministries ang isang espesyal na workshop na pinamagatang “Voice Technique 101.”
Ang naturang seminar ay gaganapin sa darating na February 17, 2026 mula 1 p.m. hanggang 6 p.m., at idaraos sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Layunin ng workshop na gabayan ang mga church singers at choir members upang mas mapahusay ang kanilang kakayahan sa pag-awit para sa Panginoon.
Pangungunahan ang workshop ni Larrie Ilagan, isang respetadong voice coach, papuri artist, music producer, at broadcaster. Inaasahang ibabahagi niya ang kaniyang malawak na karanasan sa industriya ng musika at paglilingkod upang matulungan ang mga dadalo na mahanap ang kanilang boses sa pagsamba.
ADVERTISEMENT
Para sa mga nagnanais makilahok o kumuha ng karagdagang impormasyon, maaari ninyong bisitahin ang opisyal na Facebook page ng IRM Ministries. (Benedict Quejado/News Light)

