Kasunod ng protesta at pagbarikada ng mga katutubo at mga grupong kontra pagmimina, pansamantalang ipinahinto ng Mining Bureau ang exploration permit ng Woggle Corporation.
Ayon sa Mining Bureau, nagdesisyon silang ipatigil pansamantala ang exploration dahil sa tumitinding pagtutol ng mga residente roon.
Hindi suportado ng mga lokal ang pagmimina sa lugar lalo’t hindi ito ikinonsulta sa lokal na pamahalaan at mga residente.
Ayon pa sa Mining Bureau, may kakayahan ang ahensya na ipatigil ang exploration sa ilalim ng Republic Act 7942 o Philippine Mining Act, lalo’t nalalagay sa peligro ang kaligtasan at kapayapaan sa lugar.
Ikinatuwa naman ng mga grupong kontra mina ang temporary suspension.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Alyansa Tigil Mina, patunay ito ng katapangan ng mga residente para protektahan ang kanilang lugar mula sa mapaminsalang pagmimina.
Idiniin ng grupo na ang nais nilang mangyari ay ang tuluyang pagbasura ng permit ng Woggle Corporation para mapalayas sila sa Dupax del Norte.

