Dumadami ang mga Pilipinong estudyante na gumagamit ng artificial intelligence (AI) sa pag-aaral, partikular sa paraphrasing at writing academic tasks, ayon sa report ng ASEAN Foundation.
Batay sa report, tatlo sa apat, o 83 percent ng mga estudyante sa bansa ay dumedepende sa generative AI gaya ng ChatGPT para umano sa paraphrasing ng online sources na gagamitin sa kanilang sulatin sa paaralan.
Nangunguna umano ang populasyon ng kabataan sa pag-adopt ng AI para sa mga gawain, ayon kay ASEAN Foundation Executive Director Piti Srisangsam.
Para naman sa mga guro, 73 percent ang nakagamit na ng generative AI at 42 percent ang gumagamit ng AI tools sa writing.
ADVERTISEMENT
Samantala, ipinakita rin sa survey na 87 percent sa kalakhang Southeast Asia ang gumagamit ng AI upang mag-search ng information at 75 percent para sa writing assistance. (Denniel Salayo/News Light)

