News LightLatest News

Zero-balance billing sa direct PhilHealth contributors sa pay ward, pinaplano ng DOH | News Light

Planong palawigin ng Department of Health (DOH) ang saklaw ng zero-balance billing sa mga DOH hospitals para sa mga regular na nagbabayad ng kontribusyon dito.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Planong palawigin ng Department of Health (DOH) ang saklaw ng zero-balance billing sa mga DOH hospitals para sa mga regular na nagbabayad ng kontribusyon dito.

Sa ilalim ng ilalabas na polisiya, ipatutupad na ang zero-balance billing para sa mga direct contributors nito na gagamit ng pay wards o shared rooms ng DOH hospitals.

Ipag-uutos sa 87 DOH hospitals sa buong bansa na maglaan ng lugar para sa mga working class o middle class contributors na nais magpa-accommodate sa zero-balance billing.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ito ay kasunod ng panawagan para sa mas malawak at maayos na benepisyo para sa direct contributors o ’yung mga indibidwal na kinakaltasan sa sahod buwan-buwan para sa kontribusyon.

ADVERTISEMENT

Sa kasalukuyan, saklaw lamang ng zero-balance billing ang basic o ward accommodations sa mga DOH hospitals.

What do you feel about this article?